Pag-detect sa sakit na ketong pinagtutuunan pa rin ng pansin ng health sector

CAMARINES NORTE – Pinagtutuunan pa rin ng pansin ng health sector ang pag-detect sa sakit na ketong  o leprosy upang hindi na ito kumalat.

Sa susunod na linggo  ay maglulunsad ng dermatology medical mission na tinawag na “Kilatis Kutis” ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud sa Camarines Norte katuwang ang Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) kaugnay sa pag-obserba ng national leprosy week.

Ayon kay Dr. Joel Paolo Delos Reyes, Municipal Health Officer ng Basud ang focus ng aktibidad ay ang pag-detect ng leprosy cases.

Matatandaan na noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay nakapagtala ng mga positibong kaso ng sakit na ketong sa anim na Barangay sa Camarines Norte.

Kung dati ay walang lunas, ngayon ay may gamutan na sa leprosy at available ito sa mga health centers.

Ayon sa medico.ph ang ketong ay tinatawag na Hansen’s disease sa larangang medical.

Ito ay isang mabagal ngunit progresibong sakit na bunga ng bacteria na Mycobacterium leprae.

Sa sakit na ito, ang balat, mata, ilong, mukha, at mga nerve ng katawan ay napipinsala at naikakalat ito sa pamamagitan ng droplets.

May mga pag-aaral na nagsasabing kadalasang inaabot ng ilang taon ang incubation period ng leprosy ngunit may mga kaso na ilang linggo o hanggang tatlumpung taon bago lumabas ang senyales at sintomas nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *