Pag facemask at bakuna, abiso kontra pertussis sa Naga City

NAGA CITY – Inaabisuhan ng mga Barangay Health Workers ng Naga City ang mga magulang na pagamitin ang kanilang mga anak ng facemask lalo na kung pupunta sa paaralan, sa malls, kung bibiyahe para makaiwas sa epekto ng Pertussis at iba pang sakit ngayong tag-init.

Bukod sa pag gamit ng facemask, patuloy ding hinihimok ang mga ito na pabakunahan ang kanilang anak sa mga barangay health centers dahil sa patuloy na dumadami ang mga nagkakaroon ng Pertussis sa buong bansa na batay sa talaan ng Department of Health umabot na sa mahigit 800 mula Enero, at may namatay ng nasa 49.

Sa Barangay Concepcion Grande, ganito ang ginagawa sa regular nilang pag-monitor sa kalusugan ng mga bata. Ayon kay Dina Capistrano, BHW, kailangan na gawin  ang pagbabakuna para makaiwas ang mga anak lalo na ang mga sanggol sa mga sakit.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *