Pag-hire ng 3rd-party company, pinaguusapan sa Kamara para sa seguridad sa cyberattack

Kinokonsidera ng House of Representatives ang paghingi ng tulong sa isang third-party na kumpanya upang mapabuti ang cybersecurity nito, kasunod ng pag-hack sa website ng Kamara.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinaguusapan pa rin nilang mag-outsource o ang pakikipagunayan sa iba pang kompanya na makakatulong sa pagpapabuti ng seguridad.

Ito’y upang maitama ang mga tinutukoy ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kanilang sistema.

Sinabi ni Velasco na kahit na walang data breach, hindi na ito dapat mangyari muli.

Inamin rin nito na kulang ang Kongreso sa karanasan sa pagharap ng cybersecurity dahil kahit mayroon silang IT Group ay hindi ito sapat para tugunan ang mga pagkukulang na natuklsan ng DICT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *