Pag-implimenta ng alternative delivery modalities sa Region 2, pina-igting

Pinaigting ng Department of Education Region 2 ang implementasyon ng Alternative Delivery Modalities o ADM sa mga paaralan sa buong rehiyon dahil sa nararanasang mataas na heat index.

Inihayag ni Curriculum and Learning Management Division Chief Dr. Octavio Cabasag na bahagi ng implementasyon ang desisyon ng bawat Local Government Unit batay sa pagtaya ng PAGASA.

Aniya, ang ADM ay isa sa mga hakbang ng kagawaran upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, teaching at non-teaching staff sa banta ng init ng panahon kasabay ng pagsiguro na magpapatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang pagdurugo ng ilong ng ilang mag-aaral at iba pang insidente na namonitor dahil sa tindi ng init ng panahon ang siyang dahilan ng pagpapaigting ng implementasyon ng ADM.

Tiniyak naman nito na nakaalerto ang mga school clinic ng bawat paaralan upang tugunan ang mga kaparehong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *