Pag-iwas sa Goiter kasama sa mga programa sa Camaligan, Camarines Sur

CAMARINES SUR-  Bilang pag-alala sa Goiter Awareness Week ngayong ikaapat na linggo ng Enero, muling nagbigay ng kaalaman ang Rural Health Unit (RHU) Camaligan tungkol sa sanhi at interbensyon nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng ganitong sakit.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng nasabing bayan na ang kakulangan sa iodine ang pangunahing sanhi sa pagkakaroon ng goiter. Nakukuha ang iodine sa pagkain ng seafoods kung kaya madalas na dapuan ng ganitong sakit ay ang mga naninirahan sa upland areas dahil sa kakulangan sa pagkain ng mga ito.

Payo naman ni Severo, maaaring maging alternatibo ang paglagay ng iodize salt sa mga pagkain upang kahit na kulang sa pagkain ng seafood, nagkakaroon pa rin ng supply ng iodine ang ating katawan. Dahil malapit naman ang bayan ng Camaligan sa ilog na siyang pinagkukunan ng seafoods, mababa ang kaso ng goiter dito. Gayunpaman, patuloy na hinihikayat ng opisina na magpakonsulta agad sa oras na may maramdaman ng pagbabago sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *