PAGASA, idineklarang tapos na ang Habagat season

Opisyal nang nagdeklara ang PAGASA ng pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat season.

Ibig sabihin nito, magta-transition na tayo sa Northeast Monsoon o Amihan season.

Ang panahon ng amihan ay hudyat ng pagsisimula ng mas malamig na panahon na nauugnay sa Pasko.

Samantala, sinabi ng PAGASA na may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng below-normal rainfall dahil sa El Niño phenomenon.

Maaari itong magresulta sa dry spell o tagtuyot sa ilang lugar mula sa huling quarter ng taon hanggang sa unang quarter ng 2024.

Sa ngayon, mayroon pa ring shallow Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility, na huling namataan 300 km kanluran ng Puerto Princesa City.

Mababa pa rin tyansa na isa itong maging ganap na bagyo at maari itong lumabas ng PAR sa susuno na 24 hanggang 48 hours.

Samantala, ang Super Typhoon Bolaven naman ay papalayo ito sa ating bansa at walang direktang epekto sa atin.

Ngunit dahil trough ng LPA, asahan ang maulap na panahon at kalat-kalat na pagulan sa CALABARZON, kabuuan ng Mindoro, at Northern portion ng Palawan.

May mga kaulapan ring nakita ang PAGASA sa Northern Luzon, kaya asahan rin ang maulan na panahon at mahihinang na pagulan sa malaking bahagi ng Cagayan Valley.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *