PAGASA, nakapagtala ng pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila

Nakapagtala ang PAGASA ng 20.2 degrees celcius sa Science Garden, Quezon City, kahapon.

Batay sa monitoring ng state weather bureau, ito ang pinakamababang temperatura sa National Capital Region (NCR) ngayong taon.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy pa ang malamig na temperatura sa Metro Manila at maging sa Baguio kung saan 12.8 degrees celcius ang temperatura kahapon.

Sa Tanay naman inulat na may 18.6 degrees celcius; habang nakaranas ng 19.8 degrees celsius ang Abucay, Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *