Pagasa pinaalalahanan ang mga kandidato na magbaon ng maraming tubig at pananggalang sa matinding init ng panahon sa pangangampanya

CAMARINES NORTE- Opisyal nang nagsimula ang 45- day campaign period para sa mga lokal na kandidato kahapon, March 25 kung saan kaliwa’t kanang motorcade rin ang naganap sa gitna ng matinding init ng panahon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa naitala ang mataas na heat index kahapon sa 44 ° Celsius sa Daet Camarines Norte.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan sa tuwing lumalabas ng bahay.

Maraming factor ang heat index tulad ng direct sunlight, singaw ng semento at transportation pollution.

Ayon kay ay Pagasa Daet weather observer Raymond Gerald Ordinario, mas mababa ito ng bahagya kung tutuusin sa naitalang 45 ° Celsius na hot index noong Marso 19- 21.

Kaya naman payo ng Pagasa sa mga kandidatong sumusuong sa init ng araw para mangampanya na magbaon ng maraming inuming tubig at magsuot ng sumbrero gayundin ng iba pang proteksyon sa mainit na panahon.

Ani Ordinario, para makaiwas sa matinding init ng panahon ay mas mainam umano na gawin ang pangangampanya ng maaga o mula alas 6 hanggang alas 9 ng umaga at sa hapon naman ay alas 4.

Asahan din ang mainit na panahon ngayong weekend tulad kahapon.

Mkakaranas pa rin naman ng maulap na papawirin at posible ang isolated rains pero hindi ito magtatagal.

Asahan din umano na mas magiging mainit pa ang panahon sa mga susunod na araw lalo na pagsapit ng Abril at Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *