Pagbaba ng lokal na produksyon ng asukal, asahan na raw dahil sa malalang epekto ng tag-init

Inaasahang bababa ang lokal na produksyon ng bansa sa asukal ng mid-double digits sa susunod na crop year dahil sa banta ng El Niño phenomenon.

Sa inilabas na Sugar Order No. 1, series of 2023-2024 kahapon, sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ang kabuoang sugar production para sa Crop year 2023-n2024 ay nasa P1.85M metric tons.

Ang projected output na ito ay may estimated drop na 10% hanggang 15% sa produksyon, depende pa sa iniwang epekto ng El Niño.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng ahensya na nasa mandato naman nila ang pagbuo ng mga hakbang upang matiyak ang katatagan ng domestic sugar supply.

gagawa umano sila ng periodic assessment sa produksyon noong 2023-2024 upang matukoy kung dapat bang i-adjust ang percentage allocation alinsunod sa kanilang tungkulin na bumuo ng domestic, export, at reserve allocation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *