Pagbaba sa performance level ng mga mag-aaral ngayong asynchronous pa, hindi pa nakikita – DEPED Cam. Sur

CAMARINES SUR – Hindi pa masasabi ngayon ng Department of Education Camarines Sur, kung may pagbaba sa performance level ng mga bata ngayong asynchronous pa ang klase.

Ayon kay Schools Division Spokesperson, Atty.  Salvador Pelingon, sinabing makikita ito pagkatapos ng 4th quarter examination. Dagdag pa nito, na-o-obserbahan nilang hindi naman gaano nahihirapan ang mga bata lalo na’t tinitiyak din nila lalo na ang mga hakbang upang hindi maapektuhan ang performance level ng mga bata sa pag-aaral.

Kaugnay nito, ang mga guro pa rin ang makakakita ng performance ng mga mag-aaral lalo na mayroong mga report na hindi gaano nagiging aktibo ang mga bata kaya mismong ang mga guro na ang naghahatid ng learning materials.

Mababatid na ipinatupad ang asynchronous classes sa mga pampublikong  paaralan dahil sa matinding init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *