Local News

Pagbabakuna sa mga senior citizen at may comorbidity na empleyado ng gobyerno sa Zambales magsisimula na

ZAMBALES- Magsisimula na bukas, araw ng Myerkules ang pagbabakuna laban sa covid-19 para sa mga empleyado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Zambales.

Sa inilabas na advisory ng Provincial Health Office, gaganapin ito sa JICA Building sa Bgy. Palanginan, Iba mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Kabilang sa mga tuturukan ay ang mga senior citizen at mayroong mga comorbidity na empleyado.

Samantala, kasama sa listahan ang SSS, GSIS, Philhealth, DOJ, COA, DSWD, DAR, DA, PENRO, LTO, NBI, Deped SDO, NFA, BFAR, DPWH, PDOH, DTI, NIA, Landbank, CSC, COMELEC, PHILPOST, DILG at BIR.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO



BNFM Olongapo

Recent Posts

Rice Tariffication Law, target na maipasa sa committee level sa Kamara sa susunod na linggo

Ibubuhos na ng mga kongresista ang kanilang panahon upang madaliin ang pag-apruba sa mga panukalang…

6 mins ago

Pagbabalik sa dating school calendar, tiyak na makatutulong umano na maiwasan ang tindi ng init sa mga susunod na taon

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Win Gatchalian na napapanahon na para…

14 mins ago

Mahigit 800 motor riders, lalahok sa Motorally de San Jose Partido

CAMARINES SUR — Nasa mahigit 800 motor riders ang lalahok sa ikalawang edisyon ng Motorally…

19 mins ago

Kontrobersyal na “PDEA Leaks”, bahagi lang ng destabilization laban kay PBBM – House leaders

Kumbinsido si House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Representative Jude Acidre na ang testimonya…

28 mins ago

Senador, nanawagan ng price freeze para sa mga basic commodities ngayong El Niño season

Naniniwala si Senador Sonny Angara na matagal ng umaaray ang mga manggagawa sa bigat ng…

46 mins ago

Paghandle sa wildlife animals, pinalawak

NAGA CITY - Tugon sa mga request na mapalawak pa ang kaalaman sa panghuhuli sa…

1 hour ago