Pagbabalik ng biyahe ng bus mula Naga patungong Maynila at vice versa nasa proseso pa

NAGA CITY- Nasa proseso pa ang pagbabalik ng biyahe ng Bus mula Naga City patungong Maynila at Vise Versa.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Nonoy Reforsado ang Terminal Manager ng Bicol Central Station. Pagbibigay diin nito nag cocomply pa ang mga buses sa mga requirement na hinihingi ng National at Bicol Interagency Task Force at iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa ligtas na pagbiyahe at mga patakaran sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19, gayundin ang pagtugon sa mga hinihingi ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Binigyang diin din ni Reforsado na nakatakda sana ang pagbabalik biyahe ngayong June 16, SUBALIT wala pa itong kasiguradohan dahil hindi pa naman mabatid ng pamunuan ng terminal sa ngayon kung sa petsang iyon ay naka comply na ang mga bus company.

Gayunpaman, sinabi nitong dati nang pumayag ang Health Emergency Task Force at BIATF sa pagbabalik biyahe kung masusunod ang mga inilatag nilang sistema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *