Pagbabalik ng lumang school calendar – isinasapinal na ng DepEd

Hinihintay na lang ng Department of Education (DepEd) na matapos ang ginagawa nilang final school calendar para sa taong ito.

Kasunod ‘yan ng hakbang na pagbabalik sa lumang school calendar mula sa susunod na taon.

Para kasi sa school year 2024-2025 – Hulyo na magsisimula ang klase, at magtatapos na sa Marso.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DepEd Asec. Francis Bringas – sinabi nitong isinasapinal na lang nila ang bagong kalendaryo.

Samantala, sinabi ni Bringas na ‘di na nadagdagan pa ang higit sa 7,000 mga paaralang apektado ng matinding init kung saan, nagdeklara ng suspension ng face to face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *