Pagbabasa ng printed books, epektibo pa rin para sa mga mag-araal sa Naga City

NAGA CITY – Nananatiling epektibo para sa mga mag-aaral ng Del Rosario Elementary School sa Naga City ang pagbabasa gamit ang printed books.

Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Newriz Darilay, Grade 2 Teacher at proponent ng Read to Lead With Numeracy Program sa nasabing paaralan.  Aniya, sa panahon ngayon, parehong epektibo ang electronic at printed books sa mga bata ngunit mas nagkakaroon sila ng focus sa printed books at batay sa kanilang obserbasyon mas nagiging maganda ang reading comprehension ng mga bata.

Dagdag pa ni Darilay, maliban sa mga available books sa kanilang library, gumagawa rin siya ng mga contextualize books upang mas dumami at may bagong babasahin ang mga mag-aaral.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Social Weather Stations Survey, mataas pa rin ang porsyento ng mga batang nasa elementarya ang nahihilig na magbasa ng printed books kaya ngayong Childrens’ Book Week, isa itong magandang batayan para mapalakas pa ang pagsulong sa pagbabasa ng mga libro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *