Pagbabawal ng SC sa pag-isyu ng traffic violation ticket, hindi pa final – MMDA

Nilinaw ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na hindi pa “final and executory” ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabawal sa mga LGU na manghuli at maniket ng mga traffic violator.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Artes na kahapon lamang ng umaga nila natanggap ang desisyon at hindi nakasaad dito na immediately executory.

Kasunod nito, pinaalalahanan niya ang mga motorista na wag nang makipagtalo pa kapag nahuli sila dahil sa ngayon ay pwede pa umanong manghuli at mag isyu ng ticket ang enforcers ng bawat LGU sa Metro Manila.

Kagabi ay nagkaroon na ng pagpupulong sa pagitan ng MMDA at NCR Mayors at magkakaroon muli sa darating na biyernes kasama ang mga legal officer ng bawat syudad sa NCR upang mapagplanuhan at mapag aralang mabuti ang desisyon.

Sinabi pa ni Artes na pag-aaralan din nila criteria at requirement para magdeputized upang masiguro na qualified at may proper training ang bawat enforcer.

Magsusumite rin sila ng Motion for Reconsideration dahil unfavorable umano ang ang desisyon ng korte suprema sa mga LGU.

Samantala, aminado naman si Artes na hindi kakayanin ng buong pwersa ng MMDa na bantayan ang buong Metro Manila kaya kailangan aniya bg tulong ng mga local traffic enforcers ng LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *