Pagbalangkas ng code of conduct sa South China Sea, isusulong ng Pilipinas sa APPF

Pormal na nagbukas sa Pilipinas ang forum ng mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansa sa Asia Pacific region na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sasamantalhin ito ng gobyerno para talakayin ang isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa pagbubukas ng APPF.

Sa resolusyon na inihain ng gobyerno sa mga member parliament na suportahan ang pagbalangkas ng code of conduct sa South China Sea.

Para pumasa ang resolusyon sa parliamentary forum kailangan munang makuha consensus ng lahat ng bansa.

Sinabi ni Sen. Zubiri na plano niyang kausapin ang China at umapela sa code of conduct sa South China Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *