Pagbalik sa Hunyo ng simula ng pasukan posibleng sa SY 2025-2026 na

Suportado ng House Committee on Basic Education and Culture ang panawagang ibalik sa Hunyo ang balik-eskuwela.

Kahapon inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang resolusyong sumusuporta sa panukalang ibalik ang klase sa Hunyo mula sa kasalukuyang Agosto.

Ayon Department of Education DIR Leila Areola, posibleng umanong maibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase sa School Year 2025-2026.

Paliwanag ni Areola hindi pwede agad-agad ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase dahil iikli naman ang araw ng mga bakasyon at apektado rito ang mga guro.

Payag naman ang alliance of concern teachers na idagdag na lang service credit ng mga guro ang mga masasagasaang araw mh bakasyon.

Ginagamit ang service credit para makaliban ang guro ng walang kaltas sa sweldo.

Mungkahi ng Teachers Coalition para hindi malaking idagdag sa service credit ay bawasan ang araw ng klase basta hindi baba sa itinakdang minimum sa 180 days.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *