Pagbasura ng CHA-CHA at iba pang panawagan, sigaw ng mga progresibong grupo sa paggunita ng EDSA 1 sa Naga City

NAGA CITY – Kasabay ng mga sigaw at panawagan sa kasalukuyang administrasyon, isinagawa ng iba’t-ibang progresibong grupo ang aktibidad kaugnay ng komemorasyon sa ika 38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa lungsod ng Naga.

Ang pagbasura ng Charter Change (Cha-cha) ang panawagan ni Nelsy Rodriguez, kasalukuyang tagapagpahayag ng BAYAN CamSur.

Isa din si Didoy Avila ng Manibela Bicol sa aktibong dumalo sa nasabing aktibidad kung saan bitbit nila ang panawagan sa mainit na usapin patungkol sa modernisasyon at konsolidasyon ng mga prangkisa sa sektor ng transportasyon.

Kabilang din sa mga panawagan ang karapatan ng mga magsasaka at sa kanilang lupa, pagbaba ng presyo ng mga pagkain, pagtaas sa presyo ng palay at ilan pang mga kinakaharap na problema ng bansa.

 Sa huli, nagpasalamat sila sa LGU Naga at PNP Naga sa pagkakataon na maiboses ang kanilang mga hinaing na anila’y diwa ng EDSA. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *