Pagbibigay paalala ng PNP sa mga eskursyunista, mas pinaiigting sa Calabanga

CAMARINES SUR- Mas pang pinaiigting ng Calabanga Municipal Police Station ang pagbibigay ng mga paalala sa mga eskursyunista lalo na ngayon na inaasahan na mas dadagsain pa ng mga bakasyunista ang mga resort at paliguan.

Ito ay kaugnay pa rin sa nangyaring insidente ng pagkalunod ng isang binata sa nasabing bayan noong nagdaang araw ng linggo ng pagkabuhay. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCpl Edmar Maming, Asst. PCAD, PNCO ng Calabanga MPS, sa kanilang pag-iimbestiga, napag-alaman na mayroong epileptic disorder ang biktima.

Paalala ng pulisya sa mga bakasyunista lalo na sa mga magulang na mayroong iniindang sakit ang anak na tripleng pagbabantay ang gawin at kung maaari ay huwag nang payagan na maligo sa mga resort at iba pang dinarayong paliguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *