Pagbibigay tulong ng mga personahe ng FICELCO sa power restoration sa kabisayaan, extended hanggang January 19

BNFM BICOL—Inihayag ng First Catanduanes Electric Cooperative o FICELCO na extended ang isinasagawang pagtulong ng mga personahe ng naturang kooperatiba sa ‘power restoration’ sa mga lugar sa kabisayaan na nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon FICELCO, ito ay dahil sa naging pakiusap ng Bohol Electric Cooperative o BOHOLECO II, na pahabain pa o i-extend ang pagbibigay asistensya at tulong ng FICELCO sakanilang mga linemen nang sa gayon ay 100% nang mapailawan ang mga kabahayan sa Bohol na nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa matinding pananalasa ng bagyo.

Aabutin pa hanggang January 19 ang pananatili ng 13 mga personahe ng FICELCO sa Bohol habang sa January 20 to January 21 ay magpapahinga ang mga ito bago bumiyahe pauwi ng Bicol sa January 23 kasama ang nasa 11 pang mga kooperatiba sa rehiyon na nagbigay din ng tulong sa ka-bisayaan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *