Pagbigat ng daloy ng trapiko, pinaghahandaan ng PNP Ragay, CamSur

CAMARINES SUR- Ilang araw bago pumasok ang Semana Santa, mas doble ang ginagawang paghahanda ng Ragay Municipal Police Station lalo na sa pagpapanatili ng maaayos na daloy ng trapiko bunsod ng inaasahang pagdami ng mga sasakyang papasok sa probinsya.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Bernardo Peñero, hepe ng nasabing himpilan, sinabi nito na kahit na nga kaunting porsyon na lamang ang tinatapos sa mga patrabaho sa bayan, hindi nila inaalis ang posibilidad na magsasanhi pa rin ito ng mabigat na daloy ng trapiko.

Sa ngayon, sunod sunod na joint operation meetings na ang kanilang ginagawa kasama ang iba pang task force group at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) . Sa mga biyahero’t motorista, walang sawang paalala ng pulisya na ihanda ang sarili lalo na ang mga sasabak sa mahabang biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *