Pagbisita ng mga international cruise ship sa SBFZ nagsimula na muli

Nagsimula na muli ang pagbisita ng mga international cruise ship sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito ay matapos ang tatlong taon na nahinto dahil na rin sa naging epekto ng pandemic sa mundo.

Kahapon ay dumating ang Blue Dream Star mula sa Xiamen, China na mayroong nasa isanlibong mga pasahero.

Ayon sa SBMA Tourism Department, ito ang unang cruise ship na dumating mula sa labing-isang naka-iskedyul sa Subic Bay.

Ang pagbisita ng mga international cruise ship ay mula October 12 hanggang sa November 21 ngayong taon.

Inaasahang magiging malaking tulong ito para sa pagpapalakas pa ng turismo ng Subic Bay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Funtastic Subic Bay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *