Pagbisita sa mga naiwang alagang hayop sa loob ng 6km PDZ, mahigpit pa ring ipinagbawal ng AVO; mga apektadong hog raisers, aabot na sa mahigit 300

LEGAZPI CITY – Mahigpit na ipinagbawal ng Albay Provincial Veterinary Office ang pagbisita sa naiwang mga alagang hayop sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone (PDZ) dahil sa panganib na dala ng Bulkang Mayon.

Kasunod ito sa mga naitatalang kaso ng mga sumusubok bumalik sa kanilang mga tahanan upang pakainin ang kanilang mga naiwang alagang hayop.

Kung matatandaan, maraming mga hayop ang nasa loob pa rin ng nasabing PDZ dahil ang mga ito ay hindi kabilang sa mga inilikas.

Ilan sa mga ito ay ang mga baboy at mga aso na ipinagbawal dalhin sa mga evacuation centers.

Paliwanag naman ni Provincial Veterinarian Dr. Pancho R. Mella, dapat nilang higpitan ang utos ng pamahalaan na ‘no human activity’ sa loob ng PDZ dahil patuloy ang pagtaas ng ipinakikitang abnormalidad ng bulkan.

Samantala, batay sa datos, aabot sa 338 hog raisers na ang apektado, 1,789 mga alagang baboy ang naiwan sa 8 mga barangay, 1,113 naman ang bilang ng mga nailikas na ang mga alagang hayop, kabilang ang 621; 467 mga kalabaw, at 25 naman ang mga kambing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *