Pagbubukas ng biyaheng Naga-Legazpi VV, malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng Naga-Konsehal

NAGA CITY – Masaya ang naging tugon ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, matapos na matupad at magkaroon muli ng biyaheng Naga-Legazpi and vice versa ngayong saktong magbabagong taon.

Ayon kay City Councilor Joe Perez, Chairman of Committee on Tourism at Culture and the Arts sa konseho pati na rin ng Committee Investment, Trade, Industry and Economic Enterprises, malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya hindi lamang ng lungsod maging ng Legazpi, dahil may mga pasyalan na wala sa Naga mayroon sa Legazpi ganun din sa Legazpi na mayroon naman sa Naga, na maaaring puntahan.

Maliban pa riyan, kasagutan na rin sa mabigat na daloy ng trapiko lalo na ngayong holiday rush na magdadala ng mas maunlanlad pang rehiyon ng Bicol.

Samanatala, tiniyak naman ng opisyal na pagdating sa seguridad, tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PNR maging sa mga barangay oipisyal na dinadaanan ng tren.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *