Pagbusisi ng jeepney modernization dapat isagawa sa kabila ng magandang epekto nito-NACIATRASCO

NAGA CITY- Naniniwala ang Naga City Allied Transport Cooperative (NACIATRASCO) na kailangang ipagpatuloy ang pagbusisi sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno sa kabila ng pagkakaroon ng magandang epekto nito sa kanila.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Danilo Cosa, presidente ng nasabing kooperatiba, mula nang magkaroon ng modern jeepney sa lungsod, malaki ang naitulong nito hindi lang sa tsuper at konduktor, maging sa mga pasahero lalo na ngayong sobrang init ng panahon. Maganda rin ang kita nito araw-araw dahil umaabot pa sa 5,000 hanggang 7,000 ang nahihit na quota ng bawat unit.

Matatandaan na kamakailan lang, nagpalabas ng pahayag si Senator Grace Poe hinggil sa patuloy na pagbusisi sa PUVMP kahit tapos na ang deadline ng franchise consolidation dahil sa mga tsuper na nawalan ng hanapbuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *