Pagdadala ng mga construction materials sa BRP Sierra Madre – matagal na raw nangyayari

Muling ibinahagi ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang umano’y ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ng China at ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Roque – mayroon talagang ganitong umiiral na kasunduan sa ilalim ng Duterte administration.

Hindi na rin daw umano bago ang mga pambobomba ng water cannon ng China – pero ‘yun nga lang, lumala raw ito nang pangalandakan na ang resupply mission ng Pilipinas sa mga tropa sa BRP Siera Madre.

Paliwanag niya, sa pamamaraan daw kasi ngayon ng Marcos administration na lantaran ang pagdadala ng supply sa Ayungin – tila hinahamon daw kasi ang China kaya naman lalo nila tayong pinipigilan sa ngayon.

Sabi pa ng dating spokesperson, dinidiskartehan din daw noon ang pagdadala ng construction materials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *