Pagdagsa ng mga biyahero habang papalapit ang Semana Santa pinaghahandaan na ng HPG

CAMARINES NORTE – Pinaghahandaan na ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang pagdagsa ng mga biyahero habang papalapit ang Semana Santa.

Dahil dito naglagay na ng summer vacation hub ang HPG sa Tabugon, Sta Elena, ang pinaka gateway ng bicolandia katuwang ang local police force para matutukan ang mga papasok at palabas ng lalawigan.

Ayon kay PMAJ Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG Camarines Norte at Deputy Regional Chief ng HPG Bicol inaasahan nila na isang linggo bago ang semana santa ay mas dadami pa ang mga uuwi dito sa probinsiya galing sa ibang lugar.

Dahil dito mas paiigtingin pa aniya ng HPG ang mga security measures kasabay na rin ng anti- carnnaping campaign at implementasyon ng traffic laws.

Nagpaalala naman si Quila sa mga biyahero na hanggat maaari ay huwag masyadong magdala ng maraming bagahe upang hindi gaanong mahirapan sa dagsa ng mga tao at huwag magdala ng mga ipinagbabawal na bagay.

Asahan ding mas mapapadalas ang pagbisita sa mga terminal upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Payo rin ng opisyal sa mga bus company na kung maaari ay point to point lang ang pag pick up ng mga pasahero.

Isa pa sa tututukan umano ng HPG ay ang mga pribadong behikulo na pumapasada lalo na ngayong marami ang pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *