Pagdami ng COVID-19 cases sa US ibinabala ng mga eksperto kahit marami nang nabakunahan

Nagbabala ang ilang  experts na posible pa rin ang pagdami ng  COVID-19 infections sa America kahit pa marami na sa populasyon nito ang nabakunahan na kontra sa virus.

Ayon kay Rochelle Walensky, Director ng US Centers for Disease Control and Prevention, nangangamba siya sa “impending doom” dahil sa bagong wave ng infections.

Nagpaalala na din ang mga Scientist sa US  sa peligong puwedeng idulot ng pagluluwag ng mga measures gaya ng pagsusuot ng   mask at capacity restrictions.

Sinabi naman  ni Ellie Murray, assistant professor  ng Epidemiology sa Boston University na kahit marami nang nabakunahan, vulnerable pa rin ang lahat sa virus.

Matatandaan na una nang inamin ni US President Joe Biden  na malayo pang masabi na napagtagumpayan na ang  giyera kontra sa COVID-19. (LEO-NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *