Pagdami ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, hindi nakakabahala – PH Navy

Iginiit ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi nakaka-alarma ang pagtaas ng bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos mamataan ng Armed Forces of the Philippines sa bahagi ng Bajo de Masinloc ang nasa walong Chinese Maritime militia vessels at anim na barko ng China Coast Guard.

Ayon kay Trinidad, hindi nakaka-alarma ang naturang bilang lalo’t normal na aktibidad lamang ang ginagawa nito kumpara sa mga naitatala nilang bilang sa mga nakalipas na panahon.

Aniya, ayaw nilang gumawa ng ispekulasyon hinggil sa pagdami ng mga barko ng China sa nasabing lugar.

Gayunman, sinabi ni Trinidad na sa sandaling magkaroon na ng malaking pagbabago sa ikiniikilos ng China sa bahaging iyon ng Bajo de Masinloc ay doon na dapat maalarma ang Pilipinas at dapat nang maghanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *