Pagdami ng mga darayo sa Calabanga, Camarines Sur ngayong pumasok na ang Kuwaresma paghahandaan na ng inter agency

CAMARINES SUR- Paghahandaan na ng inter agency ang pagdami ng mga pumupunta sa mga simbhan sa Calabanga, Camarines Sur ngayong pumasok na ang Kuwaresma.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Danny Abalayan, hinid lamang kasi ang Hinulid Shrine ang dinarayo kundi pati ang Quipayo Church,  gayundin ang imahe ng Itim ng Nazareno sa Binanuaanan Pequeño , simbahan sa Paolbo at Sto. Domingo. Babasehan ng inter agency sa paglatag ng pinal na plano sa mga aktibidad sa naturang mga simbahan.

Pinaka dinarayo sa Calabanga ang Hinulid Shrine at ayon kay Edna Mariscal ng naturang simbahan, marami ang dumalo sa pagpaligo at pagpalit ng damit ng imahen ni Jesus nitong Pebrero 10. Ang tubig na ipinanligo ng imahen ay pinaniniwalaang nakagagaling ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *