Pagdinig sa mga kasong pang-aabuso ng Kingdom of Jesus Christ ni Quiboloy, tuloy na

Kinumpirma ni Senate Minority Floor Leader Koko Pimentel na itinalaga na nila ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality upang imbestigahan ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ito ay isang linggo matapos maghain ni Senadora Risa Hontiveros ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang large-scale human trafficking, rape, sexual abuse at child abuse sa loob ng KOJC na pinamumunuan ni Apollo Quiboloy.

Ayon kay Pimentel, mayroon na rin umanong affidavit si Hontiveros upang suportahan ang mga nasabing alegasyon.

Maalala, matapos maghain ng resolusyon ni Hontiveros ay agaran siyang nanawagan sa Department of Justice na mag-issue ng immigration lookout bulletin order upang maiwasan ang pag-alis ni Quiboloy sa bansa habang nagkakaroon ng pagdinig sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *