Pagdiriwang ng Labor Day, sinalubong ng kabi-kabilang protesta

Kaliwa’t kanang kilos-protesta ang umarangkada sa Metro Manila kasabay ng selebrasyon ng Labor Day.

Nagtipon tipon sa bahagi ng España Boulevard sa Sampaloc, Maynila ang iba’t ibang grupo kabilang ang PISTON, Anakbayan, Bayad Muna, Panday Sining, League of Filipino Students at iba pang grupo para magkilos protesta.

Nagdaos naman ng protesta ang Kilusang Mayo Uno at Bagong Alyansang Makabayan ngayong labor day sa Embahada ng Estados Unidos laban sa panghihimasok sa ekonomiya, pulitika, at militar ng US sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Ibat ibang grupo ng mga kabataan mula sa anakbayan, kabataan partylist, Makati labor alliance at Makatindig mula Makati, Taguig, at Pasay City na nagsasagawa ng pagkilos sa kahabaan ng Buendia Avenue cor. F.B. Harrison St. lungsod ng Pasay.

Ang nasabing pagkilos ay nakatuon sa tatlong mahahalagang isyu, una rito ang Exercise Living Wage, pagbasura sa Charter Change, at pakikiisa sa mga driver at operators para harangin ang pag-phaseout ng mga tradisyunal jeepney sa ilalim ng PUV modernization program.

TENSYON SA MGA RALIYSTA

Bahagyang nagkaroon ng tensyon ang kilo- protesta ng ilang labor groups.

Nagkaroon ng girian sa may bahagi ng Recto Avenue.

Nagkagirian din ang mga grupo na nais pumasok sa US Embassy sa Manila kung saan ay binomba pa ng tubig ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga grupo na nag-programa rito.

Maging ang isang truck ng PNP ay ‘di rin nakaligtas sa ginawang pag-vandalize ng ilang grupo sa Roxas Blvd.

Nag-spray paint ang pinaniniwalaang mga miyembro ng mga militante ang PNP vehicle ng ‘Terorista’ at ‘Mamamatay Tao’.

Bago ito – una na ring nagpumilit na makapasok ang grupo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa bahagi ng Mendiola para magsagawa ng programa.

Hindi umubra itong mga barikada ng mga pulis kaya nagkatulakan at nakalusot ang mga raliyista para makatungtong ng Mendiola.

Ayon kay Lt. Col. Romeo Estabillo ng Manila Police District Station 14 na ang Mendiola ay isang no-rally zone.

Aniya, ayon sa Batas Pambansa 880, maaari lamang mag-protesta nang walang permit sa freedom parks tulad ng Liwasang Bonifacio.

Halos 30-minuto rin ang isinagawang programa ng BMP sa Mendiola bago nilisan ang lugar.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *