Pagdiwang ng EDSA People Power sa Maynila, naging payapa – MPD

Walang na-monitor ang Manila Police District (MPD) na malaking pagtitipon ng mga nag-po-protesta sa buong Maynila.

Kinumpirma ni MPD Director Police Brigadier Gen. Arnold Thomas Ibay na naging mapayapa ang pagdiwang ng EDSA People Power, kahapon.

Ayon kay Ibay, simula pa noong Biyernes ay naka-full alert at may checkpoints nang itinalaga ang MPD.

Bukod dito, ipinakalat din ng Philippine National Police (PNP) ang 6K na tauhan upang tiyakin ang seguridad ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *