Pagdodonate ng dugo mayroong mga benipisyong medikal

SORSOGON CITY – Bukod sa pagkakawanggawa marami ring benipisyong medikal ang nakukuha ng isang blood donor.

Ito ang inihayag ni City Health Office (CHO)-head Dr. Rolando Dealca kaugnay sa nakatakdang bloodletting activity ng Brigada News Sorsogon sa Abril 9 nitong taon.

Ayon dito, mayroon umanong mga pag-aaral na ang taong regular na nagdodonate ng dugo ay mababa ang tyansa na ito ay magkaroon ng heart attack.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang mga mayroong sakit sa puso tulad umano ng mga mayroong coronary heart disease.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon din umanong mga pag-aaral sa ibang bansa na kung saan may mga pagkakataong nakatutulong sa mga cancer patients ang regular na pagdodonate upang madugtungan ang kanilang buhay.

Pagtitiyak ng opisyal, kapag regular na nakakapagdonate mas nagiging maganda ang pagfunction ng dugo dahil laging bagong produce ang mga ito.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal higit sa mga nabanggit na medical benefits wala na umanong hihigit pa sa fulfillment na maaaring maramdaman ng isang blood donor sa isiping nakapagsalba siya ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *