Paggalaw ng Philippine Trench ang tinitingnang anggulo ng Phivolcs sa magkakasunod na lindol

Posibleng paggalaw ng Philippine Trench ang dahilan ng magkasunod na lindol sa Mindanao at mga aftershocks.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, binabagtas ng Trench ang plate o malaking tipak ng lupa sa ilalim ng tubig na nasa gawing pacific ocean.

Gumagalaw ito papunta sa ilalim ng plate na kinatatayuan naman ng land mass ng Pilipinas.

Ang paggalaw na ito ang nagdulot ng magkasunod na malalakas na lindol sa bansa.

Sinabi ng Phivolcs na walang kakaiba sa pangyayaring ito.

Paalala naman ng mga eksperto dapat maging alisto at palaging handa para hindi mangapa sa oras ng sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *