Paggamit ng solar-powered irrigation system, pinagtibay

Ibinahagi ni dating Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol na solar-powered irrigation system ang isa sa nakikita niyang solusyon sa food security program problems.

Ayon kay Piñol, hindi naman kailangan ng malaking imprasstraktura ang para magkaroon ng maayos na patubig ang mga sakahan, dahil kaya na ito sa gamit ang sunlight.

Giit ng opisyal, isang malaking suliranin sa gobyerno ang kawalan ng continuity sa mga ipinatutupad na programa.

Nung umalis umano siya sa ahensya – ang solar-powered irrigation system ay napabayaan.

Dahil dito, pinagtutulungan aniya nila nina DA Sec. Francisco Laurel ang pagbuo ng isang Technical Working Group para siyasatin ang mga naitayong mga proyekto sa bansa, at upang malaman kung paano naging maganda ang operasyon ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *