Pagganap nila Kathryn at Nadine sa ‘T-Bird at Ako’ remake – aprub kay Ate Vi

Nang tanungin si Star for All Seasons Vilma Santos kung aprubado ba para sa kanya na gampanan nila Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang remake ng pelikula nila ni Nora Aunor na ‘T-Bird at Ako,’ ikinatuwa niya ito.

Aniya, “heaven” ang tandem ng dalawa dahil pareho silang magaling na aktres.

Ipinakita sa pelikula ang isa sa mga pinakaunang paglalarawan ng mga tema ng LGBT sa film industry ng Pilipinas, sa panahon ng mas mahigpit ang censorship at mas konserbatibo ang mga manonood.

Nauso sa mga netizens ngayon ang panunuod ng mga lumang pelikula kung saan pinagbibidahan ng mga batikang aktor sa industriya.

Kaya hindi maiwasang maisipan ng mga manunuod na kung ire-remake ang mga ito, sino ang mga gaganap na artista sa panahon ngayon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *