Paghabol sa iba pang miyembro ng Concepcion Criminal Gang, tuluy-tuloy

Tuloy-tuloy ang ginagawang imbestigasyon at paghabol sa iba pang miyembro ng Concepcion Criminal Gang.

Ito’y matapos na mapatay ang itinuturing na lider nito na si Gilbert Concepcion habang sinisilbihan ng warrant of arrest sa Parañaque City kagabi.

Sa pressconference ngayong hapon, iniulat ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na malaki ang naitulong ng komunidad at effortS ng mga tuahan ng Police Regional Office 5 at NCRPO sa accomplishment na ito.

Si Concepcion ay sangkot sa iba’t-ibang kaso kabilang sa gun-for-hire, extortion, killings, at robbery sa Albay, Camarines Sur, at mga karatig-lugar.

Naging regular member din ito ng New People’s Army , sumuko sa awtoridad at naging informant pa ng Philippine Army bago ito nag AWOL.

Matatandaan, umakyat na P10M ang pabuyang ibibigay ng mga otoridad sa makapagtuturo rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *