Paghahain ng income tax return sa Abril walang extension- BIR

CAMARINES NORTE- Inihayag ngayon ng Bureau of Internal Revenue na walang extension sa deadline ng paghahain ng Income Tax Return sa April 15 ng taong kasalukuyan.

Pero dahil pumatak ang April 15 ng Biyernes Santo ay pwedeng mag file sa susunod na working day o sa April 18.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Assistant Revenue District Officer Daisy de Leon hinimok nito ang mga taxpayer na hanggat maaari ay mag file at magbayad ng maaga at huwag nang hintayin ang deadline.

Kahit daw kasi magdadagdag ng oras ng trabaho ang BIR ay may oras lang din naman ang pagbabayad sa bangko.

Sa lahat po ng mga magpa- file ng income tax return huwag na po natin hintayin yung due date, kasi para, hindi kahit sa bangko po di ba hindi sila talaga whole day,” ani De Leon.

“Before ng due date nandiyan kami pero san ka magbabayad bangko, eh kung sarado yung bangko di wala rin, ang kaya lang namin i- assist sa kanila is lagyan ng penalty , i- tsek kung tama yung TIN pero pupunta pa rin kayo sa collector pupunta pa rin sa bangko.”

Hindi na rin kailangang magsiksikan ngayon sa tanggapan ng BIR sa tuwing deadline ng paghahain ng ITR dahil available na ang online facilities.

Limitado pa rin ngayon ang tao na pinapayagang pumasok sa BIR bilang pag iingat sa COVID- 19.

Simula naman sa Lunes ay maglalagay ng Tax Tulungan Center sa ilang business establishment sa Daet upang i- assist ang mga magbabayad at maghahain ng ITR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *