Paghahanda sa Olympics, nasa magandang sitwasyon

Nanatiling nasa magandang sitwasyon ang paghahanda ng International Olympic Committee (IOC) para sa nalalapit na Paris Olympics sa July 26, 2024.

Nilarawan ni IOC President Thomas Bach na nasa magandang sitwasyon ang buong organisasyon sa paghahanda sa palaro at kasalukuyang wala pang nagaganap na aberya.

Gaganapin ang Paris Olympics sa susunod na taon, kung saan 203 bansa ang naimbitahan para maging parte ng Summer Games.

Ngunit ang Russia at Belarus ay hindi naimbitihan matapos i-ban ng IOC ang mga bansa dahil sa pagsakalay nito sa Ukraine noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *