CENRO Naga, nakabantay sa posibleng epekto ng El Niño pati mga illegal hunters

NAGA CITY – Bagamat hindi pa gaanong nararanasan sa Naga City at Camarines Sur ang El Niño Phenomenon, at sa kabila ng paunti-unting pag-uulan, hindi isinasantabi ng Naga City Environmental and Natural Resources o CENRO, ang posibleng epekto nito lalo na sa Mt. Isarog na kabilang ang mga illegal hunters sa binabantayan ng opisina.

Sa panayam kay Marvin Sagun, Environmental Management Specialist 2, maliban kasi sa nagkakaroon ng natural cause ang El Niño dahil sa sobrang init isa sa iniiwasan ang posibleng grass fire o wild fire sa area dahil kadalasang dulot nito mga illegal activities ng mga illegal hunters na gumagamit ng apoy bilang panghihikayat sa wild beast saka naiiwan, tulad noong taong 2017 dahil sa napabayaang apoy.

Kaya maging sa pagpapapasok sa mga turistang maghihike o bibisita sa Mt. Isarog, mahigpit na minomonitor ng CENRO upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *