CAMARINES SUR – Kasunod ng mga reklamo ng ilang tricycle driver sa bayan ng Goa, sa Partido Area sa mga kulorum na sasakyang labas-pasok sa nasabing bayan, sa ngayon pinayagan na nang lokal na pamahalaan at ng Goa Traffic Management Office ang mga tricycle sa kalapit na bayan na maghatid ng pasahero sa kondisyon na hindi sila magpi-pick up ng pasahero, at makapagpapakita ng prankisa at special permit.
Paglilinaw ni GTMO Head Neo Pitallano, sa pakikipagpanayam ng Brigada News FM Naga, ang special permit na ibibigay ng LGU sa mga tricycle driver ay para lamang sa paghatid ng pasahero at hindi para sa pag-pick up nito.
Sa naging pakikipag-usap sa mga tricycle driver sa nasabing bayan, pumayag naman ang mga ito, basta’t anila’y sumunod lamang ang mga kapwa driver sa napagkasunduan. Samantala, ayon naman sa traffic management office, kasado na ang gagawing pagdinig ngayong mga susunod na linggo upang pag-usapan ang mga programa kaugnay ng pagsasaayos ng sektor ng transportasyon sa nasabing bayan.