Paghihiganti – motibo sa pagpapaulan ng baril sa isang Brgy. Hall sa Bulacan

Paghihiganti ang lumalabas na motibo ng dalawang suspek sa ginawa nitong pagpapaulan ng bala sa isang barangay hall sa Meycauyan, Bulacan na ikinamatay ng isang tanod nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Jordan Santiago, hepe ng Meycauayan Police, bago ang pamamaril sa barangay hall ay mayroong naaresto ang mga barangay tanod na limang lalaking nag-pot session ng marijuana.

Batay sa imbestigasyon, sumugod ang suspek sa barangay hall at doon walang habas na nagpaulan ng bala.

Nabaril naman ng mga rumespondeng kapulisan ang dalawa habang papatakas sakay ang motorsiklo.

Dagdag pa ni Santiago, posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga at gun for hire ang nangyaring krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *