Paghihigpit ng bayan ng Labo gagawin para hindi na muling makapasok ang ASF

CAMARINES NORTE – Mas lalong maghihigpit ang Pamahalaang lokal ng bayan ng labo upang mapanatili ligtas sa ASF O African Swine Fever ang naturang bayan.

Ang naturang hakbangin ay sa pamamagitan ng pag activate ng mga Barangay Bio-Security  Task Force  na siyang  mag e-enforce ng mga  alituntunin ng Department of Agricukture kaugnay sa tamang pagtrato sa mga  alagang baboy na tinatamaan ng sakit.

Ito’y matapos na ipasa ni konsehal Reymon Samonte ang isang Ordinansa na aprubado na sa ikalawang pagbasa nitong nakatakikod na lunes.

Sinabi ni Samonte na bukod sa pagpalakas ng monitoring at survielance sa mga babuyan at Risk Assesment magpapataw rin ng kaukulang multa  ang ordinansa na direktang papasok sa kaban ng Bayan at ng Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *