Paghikayat ng POPCOM sa mga community pantry na magbigay ng contraceptives, maaaring case-to-case basis-POPCOM Olongapo

OLONGAPO-Naniniwala ang Commission on Population ng Olongapo na case-to-case basis ang paghikayat sa mga community pantry organizers na magbigay rin ng contraceptives.

Ito ay dahil may mga lugar namang accessible ang mga health center kaya di na kailangan pang pumila sa community pantry para kumuha nito tulad ng condoms o pills.

Ayon kay Dra. Leslie Ann Palma ng POPCOM Olongapo, sa lungsod ay mayroong health center halos lahat ng mga barangay at satellite center.

Dito ay libre naman itong ibinibigay sa mga nangangailangan at dapat na mabigyan.

Matatandaan na hinikayat ng POPCOM national ang mga pantry organizers na isama sa mga necessary goods ang contraceptives pero dapat ay makipag-ugnayan sa mga local health officials.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Available at mercury drug nercury ACING BAGO di Power Cells CAPSULE HERBAL mercury drug Power Cells HERBALCASULE HERBAL Tuldukan ang Sakit! Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *