Paghimay ng Kamara sa proposed P5.268Trillon 2023 National Budget, lumarga na

Inumpisahan na ang paghihimay ng House Appropriations Commitee para sa ipinapanukalang 2023 National Budget ng bansa na nagkakahalaga ng P5.268 Trillion.

Isa-isang nagpresenta ang mga economic managers ng Gobyerno sa ilalim ng Development Budget Coordination Commitee o DBCC kabilang ang BSP, NEDA, DOF, at DBM.

Inilahad ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla ang kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa kabilang na ang inflationary status; mga paraan para maiwasan nito kabilang na ang unang pagtaas nila ng policy rate; pati na rin ang year-to-date depreciation ng Philippine Peso.

Sa presentation ni Medalla, ipinakita nito ang mga development ng bansa pagdating sa monetary, financial, external sectors, at ang mga aasahan hanggang sa pagtatapos ng taong 2023.

Ang paglago naman ng ekonomiya kasama na ang GDP ng bansa ang ipinresenta ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Para kay Finance Secretary Ben Diokno, inisa-isa nito ang mga batas na makatutulong para makamit ang fiscal sustainability ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na economic effects ng pandemya ng COVID-19.

Tiniyak naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang ipinapanukalang 2023 budget ay makatutulong para maibaba ang deficit-to-GDP ratio ng hangang 3% sa taong 2028.

Sa proposed budget, sinabi ni Pangandaman na nakatuon ito sa pagpapalakas ng purchasing powers ng mga Pilipino.

Kasama rito ang unang tatlong items ng kanilang ‘8-point agenda’ para sa food security, pagpapabuti ng transportasyon at ang abotkayang clean energy.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *