Paghingi ng tawad ni Davao City Mayor Duterte, para lang daw kay Sen. Marcos

Humingi ng tawad si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kay Sen. Imee Marcos sa mga sinabi nito laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang ang panawagan nitong magbitiw sa pwesto.

Ngunit nilinaw nitong sa Senador lang siya nagso-sorry at hindi kay PBBM.

Humingi lamang raw siya ng tawad dahil naawa siya kay Senator Imee, na personal niyang narinig ang mga negatibong pahayag sa isang prayer rally sa Davao City.

Idinagdag ni Mayor Duterte na dismayado siya nang sabihin ni Marcos sa media kamakailan ang tungkol sa paghingi ng tawad ng alkalde

Napanatili ni Sen. Marcos ang malapit na ugnayan kay Bise Presidente Duterte at sa kanyang pamilya sa gitna ng maliwanag na hidwaan sa pagitan ng mga Duterte at Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *