Paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, iminungkahi ni dating PRRD

Pinaplano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsulong ng People’s Initiative na naglalayong ihawalay ang Mindanao sa bansa.

Aniya, si Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang unang nagsulong nito para sa kagustuhan ng Mindanao na humiwalay sa Republika ng Pilipinas.

Nilinaw ng dating Presidentre na hindi ito nagsisimula o nanghihikayat ng rebelyon at sedisyon.

Kasunod nito ang pagpuna ni Duterte sa signature campaign para sa people’s initiative para baguhin ang 1987 Constitution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *