Pagiging siyudad ng bayan ng Sariaya, pinoproseso na

Inilahad ni Mayor Marcelo Gayeta ang pinoprosesong papeles ng pagiging lungsod ng bayan ng Sariaya sa Ginanap na Gilas Diyalogo nitong Martes, Enero 23.

Ito ay dahil sa nakamit na ng nasabing bayan ang target ng Net Income nito na mahigit sa P120 milyong piso na mula sa buwis ng taumbayan.

Dagdag pa ni Mayor Gayeta, malaki ang posibilidad na maisakatuparan ito sa taong 2025.

Samantala, patuloy pa ring pinoproseso ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya ang mga kaukulang papeles na kinakailangan upang maisakatuparan ang pagiging lungsod ng nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *