Pagkain at pagbenta ng isdang ‘butete’, hindi pinapayagan ng Environmental Sanitation Office

LEGAZPI CITY – Hindi inirerekomenda ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Provincial Government of Albay ang pagkain at pagbenta ng isdang ‘butete’ dahil nakakalason ito.

Ayon kay Anthony Ludovice, Food and Water Borne Diseases Coordinator ng Environmental Sanitation, matagal nang hindi pinapayagan pagkain nito lalo na kung ito kulang naman sa kaalaman sa pagluluto.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng ocular visit at case investigation surveillance sa lugar at inaasahan din sa susunod na linggo ay magsasagawa sila ng information drive ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *